Thursday, May 27, 2010

Ang Lalaki sa Party


Nagsimulang siyang umindak sa saliw ng musikang bago sa aking pandinig.

"I gotta feeling that tonight's gonna be a good night. That tonight's gonna be a good night. That tonight's gonna be a good, good night…"

Ang bawat galaw ng kanyang baywang ay tila isang drogang unti-unting kumakain sa akin. Dinadala sa pagkalimot… Nag-aanyayang sabayan ang kanyang pagsayaw…

Subalit wala akong lakas ng loob para siya ay lapitan.

Ngumi-ngiti sya habang sinasabayan ang kanta.

"I gotta feeling that tonight's gonna be a good night. That tonight's gonna be a good night. That tonight's gonna be a good, good night..."

Lumalabas ang kanyang dimple.

Hindi sya tumitingin sa aking direksyon pero ako'y tila natutunaw na ng kanyang malalalim na mata.

"Kane!" Tinawag siya ng isang kakilala.

"Kane… Kane… Kane…"

Nagpaikot-ikot sa aking utak ang kanyang pangalan.

Mukhang pauwi na siya pero hindi ko pa rin siya nakakusap. Puro blogger ang mga bisita, marahil blogger rin siya. Paano ko kaya siya muling makikita… makakausap…

August noon sa Richmonde hotel.

Natapos na ang kanta, pero sa utak ko'y tuloy-tuloy pa rin ang musika.





Nakita ko ang blog niya pagkatapos ng siyam na buwan.

Kane Sulfur.

Kailangang maglakas-loob.



"You looked for me?"
          "Yes."
"But I wasn't lost."
          "You were lost to me."

9 comments:

eon said...

oh wow. the feeling of being pined for.

Aris said...

wow, kane, nag-tagalog ka. nice! hmmm... sino kaya ang admirer mong ito? tagal na nating di nagkikita sa m. miss you na. tc. :)

Darna! said...

kung ang pangalan ko ay iikot-ikot din sa utak ng isang 'masarap' na guy...

...ako rin ay magkakaroon ng 'feeling'! ahahahahaha. I gotta feeling!

engel said...

waaah kane. sino tong karibal ko?! ;p

Alterjon said...

throw some stray smile in the crowd - at tiyak, may tatamaan talaga..

*wink ;p

Dhon said...

goodluck! :)

Yj said...

sometimes when we lose grip of the things that matter to us most, we get lost.... into ourselves....

isn't it funny how we see our reflection bouncing off a mirror and we don't even know the person staring back at us?

SOLTERO said...

it's refreshing to read a tagalog post from you...as usual, superb pa rin! :P

Kiks said...

has he replied, sweetcakes?